Abante Tonite Interactive

Robredo lalaban sa mga kritiko para sa Naga

By
896

May simpleng mensahe si Vice President Leni Robredo sa kanyang mga kritiko, tirahin na lang siya at huwag idamay ang kanyang bayang Naga City.

Ginawa ni Robredo ang hamon kasunod ng alegasyong pugad ng shabu at mataas ang antas ng krimen sa Naga City.

Sa panayam ng mga reporter sa Kamara, sinabi ni Robredo dismayado siya sa maling impormasyon ng Philippine National Police (PNP) na nagsabing ikalima ang Naga City sa buong lungsod sa bansa na may pinakamataas na bilang ng krimen.

Abante Hiring – IT dep

“Nakakalungkot na iyong PNP magbibigay ng mga statements na hindi naka-base sa totoong datos,” ani Robredo.

“Kasi kung ako yung puntirya, huwag nang idamay yung buong lungsod. Kasi yung Naga, hindi naman ako yun e,” dagdag pa nito.

Naniniwala ang Bise Presidente na ang Naga City pa rin ang tahanan ng mga ‘competent’ at ‘intelligence’ na public official.

“Totoong hindi siya (Naga City) perpekto, totoong mayroon siyang mga problema, pero huwag naman sanang idadamay,” sabi ni Robredo.