Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robredo posibleng tumakbo muling VP

0 82

Inihayag ni Liberal Party President at Senador Francis Pangilinan ang posibilidad na tumakbong muli bilang bise presidente sa darating na halalan si Vice President Leni Robredo.

Sabi ni Pangilinan, tinatalakay nila ito bilang bahagi ng pagsusulong ng oposisyon na magkaroon ng malawak na koalisyon at para sa iisang kandidato para sa susunod na halalan.

“I cannot speak for her but that is something that has been discussed,” sabi ni Pangilinan sa online interview ng mga reporter.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Napag-usapan kasi that’s part of unity talks. Hindi naman puwedeng sabay-sabay tatakbo. Kailangan merong maggi-give way so that’s part of the discussions and the unity talks,” dagdag nito.

Nang tanungin kung bukas pa si Robredo sa naturang ideya, sinabi ni Pangilinan, “If that is something that will unite everyone, why not? I mean she’s open to the discussion, but like I said, I cannot speak on her behalf.” (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.