Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robredo: Tambalang Isko-Pacquiao malakas

0 126

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na may sipa ang tambalan nina Manila Mayor Isko Moreno at Senador Manny Pacquiao sa ngayon.

Pero sa ngayon ay masyado pa aniyang maaga at marami pang puwedeng magbago tulad ng naging karanasan niya nang kumandidato.

“Kung Isko-Pacquiao, malakas iyon. Malakas iyon kasi kung numbers ngayon iyong pagbabasehan. Pero para kasi sa akin sobrang aga pa,” lahad niya sa sidelines ng COVID-19 vaccine express event sa Naga.

“Kahit malapit na iyong filing, sobrang aga pa para magkaroon na ng ganoon. Iyong experience ko noong 2013, iyong experience ko noong 2016, ang dami pang puwedeng magbago,” dagdag niya.

Sa pinakabagong Pulse Asia poll, pumang-anim si Robredo sa mga posibleng presidential bet sa 2022 elections sa 6% rating.

Pangalawa si Moreno sa 14% habang pangsiyam si Pacquiao sa 9%. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.