Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robredo tapos na quarantine, balik-trabaho

0 64

Matapos ang 14 araw na quarantine ay balik-opisina na ngayong Lunes si Vice President Leni Robredo at handa na namang sumabak sa kanyang mga obligasyon para sa bayan.

Matatandaang inanunsiyo ni Robredo nitong Agosto na kinakailangan niyang mag-quarantine matapos na magkaroon ng close contact sa kanyang staff na nagpositibo sa COVID-19.

Agosto 25 ng lumabas na negatibo ang kanyang swab test pero nagdesisyon si Robredo na tapusin ang kanyang 14 araw na mandatory quarantine.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang protocol kasi, kahit negative ka na kailangan tapusin ang 14 day quarantine, so 14th day ko na ngayon (Linggo),” pahayag ni Robredo sa kanyang lingguhang programa sa radyo.

“Bukas (Lunes) regular schedule na ako. Regular na ako kasi nasa opisina na ako,” dagdag ni Robredo. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.