Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robredo: Tuloy ang bayanihan, pag-asa

0 98

“Walang pandemya o sakunang kayang umampat sa pagdaloy ng pag-ibig ng Maykapal.”

Bahagi ito ng pahayag ni Bise Presidente Leni Robredo para sa mga Pilipino ngayong Pasko. Aniya sa isang video, “Walang katulad ang Paskong ito. Walang Christmas parties at caroling; walang malalaking salo-salo; magdiriwang tayo nang hindi katabi ang isa’t isa.”

Dagdag niya, “Sa kabila ng napakaraming pagbabago sa mga tradisyong nakaugalian natin, humuhugot tayo ng lakas sa mga bagay na tiyak: Makakaasa tayo sa kabutihan ng ating kapwa; iisa tayong pamilya na sabay-sabay humaharap at bumabangon mula sa anumang pagsubok; lahat tayo, saklaw ng walang-hanggang pagmamahal ni Kristo.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Binahagi rin ni Robredo sa madla ang kanyang dalangin ngayong Pasko: “Na patuloy tayong magbukas-palad, at ilapit ang diwa ng panahong ito sa puso at tahanan ng bawat pamilyang Pilipino.”

“Tuloy ang bayanihan. Tuloy ang pag-asa. Tuloy ang pag-ibig. Muli, maligayang Pasko sa lahat ng Pilipino, saanmang sulok ng mundo,” wakas ng Bise.

Binigyang-pugay pa ng bise presidente ang mga frontliner at iba pang nagtulong-tulong laban sa COVID-19 at mga sakuna na tumama sa bansa. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.