Abante Tonite Interactive

Rocco jackpot sa wangkata ni Melissa

By
7,819

Walang dudang naka-jackpot si Rocco Nacino sa kanyang kasintahang volleyball player na si Melissa Gohing. Super sexy ang katawan.

Palaban at hindi uurong sa laban ng paseksihan ang dalaga sa mga Reyna o Diyosa ng mga bikini sa social media.

Kamakailan lang bumalandra na naman ng kanyang body beautiful si Melissa suot ang isang two piece red bikini na kuha sa swimming pool.

Ang pagpapasilip ni Melissa ng kanyang kaseksihan ay para makipag-celebrate sa tinatawag niyang ‘National Bikini Day’.

@gohingmelissa, “Happy National Bikini Day! We are all different shapes and sizes, but no one should ashamed of what they look like. Hold your head high and be proud.”

Sa nasabing larawan dapat ngang ipangalandakan ni Melissa ang kanyang katawan dahil kahit saang anggulo tingnan ang kanyang figure napaka-sexy niya.

Nalalasap ang alindog ni Melissa lalo na ang pagkakalitaw ng kanyang abs.

Hindi naman kataka-takang ‘V-Babe’ ang tawag kay Melissa ng sports media dahil sa angkin nitong ganda at kaseksihan.

Kung sa loob ng volleyball court ay hindi umaatras sa bakbakan si Melissa, lalo na sa karera ng paseksihan.

Kumbaga sa service-throw, tiyak na masa-side out ang kalaban sa angas ng wangkata ng dalaga.