Abante Tonite Interactive

Rocco napag-iwanan nina Dingdong, Alden

567

Nilinaw ni Rocco Nacino na hindi siya insecure kina Dingdong Dantes at Alden Richards. Marami ang nakapansin na lumamig ang kanyang career.

Sey naman ni Rocco, hindi siya napapabayaan ng kanyang management. Meron daw siyang serye, hosting sa isang programa at may pelikula rin.

Sa mga nagsasabing hindi pa niya naaabot ang narating nina Alden at Dingdong, ito naman ang naging hirit niya.

“Para sa lahat naman ng aktor, timing lang iyan. Kung nararamdaman ko man na ganoon nga ako, hindi lang ako dapat mainip at i-enjoy lang ang ginagawa ko dahil darating din ‘yung panahon,” makahulugan niyang pahayag.

Tungkol naman sa kanyang girlfriend na si Melissa Gohing, bagama’t napag-uusapan na raw nila ang paglagay sa tahimik, wala pa raw naman silang planong magpakasal. (Archie Liao)