Abante Tonite Interactive

Rocco wala pang balak pakasalan ang GF

430

Excited na ang Kapuso actor na si Rocco Nacino na makalipat sa kanyang bagong ipinagagawang bahay sa Antipolo City. Maituturing itong katas sa kanyang pagiging isang aktor.

Since nasa finishing touches na ang bahay ni Rocco, unti-unti na rin siyang namimili ng mga kagamitan ng bahay na gusto sana niyang lipatan bago magtapos ang taong kasalukuyan.

Wala pa rin sa immediate plans ng aktor ang pagpu-propose sa kanyang volleyball player girlfriend na si Melissa Gohing. Pareho pa umano silang busy ngayon sa kanilang respective career.

Kyle ‘sinagot’ ni Francine

Kakaiba ang gimmick ng young singer-actor na si Kyle Echarri (ng “Kadenang Ginto”) para mapapayag niya ang parents at si Francine Diaz na mismo na maging ka-date niya sa darating na ABS-CBN Ball.

Hinarana ni Kyle si Francine sa kanilang bahay sa Cavite. Hindi naman nasayang ang kanyang effort dahil bukod kay Francine ay pumayag din ang parents nito.

Suot pa ni Kyle ang t-shirt kung saan nakasulat doon ang “Will You Be My Date at the B-A-L-L?

Daig pa ng 16-year-old Filipino-American singer-actor ang nag-propose sa isang kasintahan.

Sina Francine at Kyle ay magkasama sa hit afternoon TV series na “Kadenang Ginto”.

Speaking of Francine at Kyle, nakita namin ang dalawa na nagkukulitan at magka-holding hands pa nang ito’y dumalo sa special screening ng digital movie na “Abandoned”. Pinagbibidahan ito nina Beauty Gonzales at Seth Fedelin na ginanap sa Cinema 1 ng Santolan Town Center sa San Juan City.

Andrea natuto sa serbisyo publiko

Isang terminong (three years) nanungkulan bilang vice mayor ng Calatagan, Batangas ang dating beauty queen-turned singer-actress na si Andrea del Rosario. Pero, hindi na ito nakalusot sa ikalawang termino. Gayunpaman, malaki ang natutunan ni Andrea bilang isang public servant.

Tulad ng ibang mga babae, pangarap din ni Andrea na ikasal at magkaroon ng sariling pamilya balang araw.

Ibabahagi ni Andrea and kanyang buhay sa “Celebrity Talk” online show ng Abante Tonite sa website, Facebook at YouTube channel bukas, araw ng Lunes, September 9 mula alas-12 ng tanghali hanggang ala-una ng hapon.

Maaari ring matunghayan ang mga naunang featured celebrities ng “Celebrity Talk” online show on Abante Tonite anytime.