Abante Tonite Interactive

Rock climber nahulog, dedo

468

Sa rock climbing nabuhay si American Brad Gobright, doon din siya namatay.

Nahulog si Gobright ­habang isinasagawa ang ­paborito ­niyang sport sa Sendero ­Luminoso sa El Potrero Chico sa northern Mexico nitong Miyerkoles, ayon sa civil protection agency ng bansa.

May kasamang climbing ­partner si Gobright, 31, nang mahulog mula 985 feet.

Nakuha na ng rescuers ­nitong Huwebes ang katawan ng ­Orange County, California native. Inabot naman ng ankle injury at iba pang bahagi ng katawan ang climbing partner niyang si Aidan Jacobson.

Sinabi ni Jacobson na naipit ang gamit nilang tali kaya nahulog sila mula 20-30 feet. ­Tumama muna sa malaking halaman si Jacobson kaya ‘di bumagsak sa mas malalim na parte.

“It pretty much saved his life,” anang kaibigan ng dalawa na si Ryan Borys.

“He had a magic about him on the rock, unlike anyone I’ve ever met,” post ni Alice Hafer, isa pa sa mga climbing partner ni Gobright. (VE)