Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rock ‘n’ Roll Run papa-wow

0 69

Makikita ang kakaibang local marathon sa Asics Rock ‘n’ Roll Running Series na tinatayang lalahukan ng 8,000 runner sa unang pagdayo sa Southeast Asia ng may apat na kategoryang karera sa Hunyo 19 sa Maynila.

Kaiba sa regular 42.195-kilometer footrace, balot ang world’s largest running series ng mga sorpresa at mga bagong pakulo, kabilang ang mixing running at endurance na may party at concert sa kabuuan ng ruta kasama ng themed water stations at mga awitin sa finish line.

Lalarga sa makasaysayang lungsod na mga suportado ng Alaska, Gatorade, Philippje Star at Lighwater, at inoorganisa ng Surise Events, Inc., pakakawalan ang 5K at 10K races sa umaga, at ang 21K at 42K ay sa gabi.

Kasagsagan na ang registration sa www.runrocknroll.com.manila. May onsite listup din sa mga Garmin store na cash at Gcash ang bayaran. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.