Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harden, Nets taob vs Rockets

0 194

Diniskaril ng Rockets ang bisita ni James Harden sa Houston nitong Miyerkoles.

Umiskor ng double digits ang limang starters ng Rockets sa pangunguna ng 21 ni Eric Gordon at 19 ni Garrison Matthews para hiyain ang Brooklyn Nets 114-104 sa 76th NBA regular season game sa Texas.

May 12 points at 15 rebounds si Rockets starting center Christian Wood, 18 off the bench kay Josh Christopher.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bago ang laro, binigyan si Harden ng video tribute ng prangkisa na giniyahan niya sa loob ng walong seasons. Pinusuan ng The Beard ang tribute at ang home crowd sa Toyota Center bago kumayod ng 25 points, 11 rebounds at 8 assists, pero hindi kinayang balikating mag-isa ang Brooklyn.

Wala ang partner ni Harden na si Kevin Durant, ipinahinga matapos ang 40-minute outing sa Dallas noong Martes. Iginarahe rin si center LaMarcus Aldridge

Sumaklolo kay Harden ng 18 points si Cameron Thomas off the bench. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.