Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rodjun pinagdasal na maging partner ni Jo

0 66

NI: ROLDAN CASTRO

Maganda ang feedback sa “Little Princess” na nagsimula nu’ng Lunes sa GMA Afternoon Prime. Masaya rin si Jo Berry sa bago niyang serye.

“Sobra po akong happy sa role ko as Princess. So far sa lahat ng nagawa ko, ito yung favorite ko kasi ito yung pinaka-challenging dahil pareho kami ng personality. So nag-adjust ako ng husto kasi gusto ko kilala ko pa rin kung sino si Jo at sino si Princess.

“I’m so thankful na binigay po sa akin itong role na ito. Palagi akong binibigyan ng GMA ng role na makabuluhan at inspiring. Iyon din naman po ‘yung pangarap kong gawin, ang maka-inspire ng maraming tao,” saad ni Jo.

Kasama sa “Little Princess” sina Rodjun Cruz at Juancho Trivino.

SM food to go Banner Ad

Todo ang pasasalamat ni Rodjun na nagkaroon na siya ng leading man role.

“Pinagdasal ko rin talaga ‘to kay Lord. Parang birthday gift na rin sa akin kasi nag-birthday ako sa fist lock-in taping. So thankful talaga ako kay Lord kasi ang tagal kong pinagdasal ‘to. Nagulat pa ako nung sinabi sa akin na si Jo Berry yung makakasama ko. Dati na rin kasi kami nagkasama sa isang show. Sabi ko sa kanya noon, ‘Sana maging magsama pa tayo sa isang show. Malay mo, maging magka-love team pa tayo.’ Hanggang sa ito na nga nagkatambal kami sa Little Princess. I’m honored and thankful na ipinagkatiwala ito sa akin ng GMA.”

Sey naman ni Juancho, “Palagi niyang inuuna ‘yung needs ng iba bago ‘yung sa kanya. Kaya talagang inaalagaan din namin siya. May times kahit hindi na niya kailangan umarte dahil hindi na sa kanya nakatutok ‘yung camera, sinusubukan niya pa rin ‘yung best niya para masuportahahan niya kami. It’s very refreshing. Ang saya makatrabaho ni Jo lalo na sa istoryang ito. Ang ganda rin ng pagkatimpla ng GMA at ng buong creative team sa story. It’s something I’ve never done before, so I’m so proud to be part of this show.”

Nasa cast din sina Angelika Dela Cruz, Jestoni Alarcon, Geneva Cruz

Jenine Desiderio , Tess Antonio , Therese Malvar, Chuckie Dreyfus , Lander Vera-Perez , Gabrielle Hahn, Kaloy Tingcungco , Marx Topacio.

Leave A Reply

Your email address will not be published.