Abante Tonite Interactive

Rodjun pumalag sa pagwaldas ng pera ng bayan

559

Entourage ni Digong?

Naakusahan ng mga netizen ang Kapuso actor na si Rodjun Cruz kaugnay ng kumalat sa social media na photo niya kasama­ ang nobyang si Dianne­ Medina.

Sa litrato, makikitang naka-flash ng Duterte fist sign ang mga celebrities na kasama sa grupo na kinabibilangan nina Bayani Agbayani, Martin Escudero, Michael Pangilinan, Phillip Salvador at iba pang malapit sa Pangulong Rodrigo Duterte.

Japan-bound ang mga ito na saktong nataon sa state visit ni Digong sa nasabing bansa.

Dahil dito, nagkaroon ng espekulasyon na bahagi sila ng entourage ng Presidente. Hindi sila nakaligtas sa batikos ng mga netizen na umano’y winawaldas ang pera ng bayan at ang ginagastos ay galing mismo sa buwis na ibinabayad ng mamamayan.

Pumalag dito si Rodjun at nilinaw niya na sariling pera nila ni Dianne ang ginastos nila papuntang Japan.

Dagdag na depensa pa niya, hindi raw ito ang unang beses na nagbiyahe sila abroad ng kasintahan kaya dapat daw ay hindi gawing big deal ito. (Archie Liao)