Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rodman gagawa ng pelikula

0 66

Pang-movie na rin ang isang yugto ng kakulitan ni Dennis Rodman sa kainitan ng kanyang NBA career.

Gagawan na ng pelikula ang isa sa pinaka-tumatak na sidetrip ng The Worm – ang biyahe sa Las Vegas habang kasagsagan ng NBA regular season noong 1998.

Huling taon ‘yun ni Michael Jordan sa Chicago, kalaunan ay naging pangatlo sa pangalawang three-peat ng Bulls.

Injured si Scottie Pippen sa kaagahan ng season, piniga ni coach Phil Jackson si Rodman.

Sa Last Dance documentary na inilabas noong May 2020, nabanggit ito ni Jordan:

“When Scottie was out, Dennis was a model citizen, to the point where it was dring him f***ing insane.”

SM food to go Banner Ad

Pagbalik ni Pippen sa lineup, humingi kay Jackson si Rodman ng 48-hour break.

Pinagbigyan ang five-time champ at two-time all-star, kaya nag-impake agad at bumiyahe ng Las Vegas kasama ang noo’y girlfriend na si Carmen Electra.

Walang humpay na party ang dalawa sa Vegas.

Gagawin nang movie ang trip na ‘yun, nabili ng Lionsgate ang rights. At isa pa si Rodman sa executive producers.

Ang pamagat: “48 Hours in Vegas.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.