Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rodman, Pippen kopya ni Ravena

0 184

Walang duda na pang-international play ang kalibre ni dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP) basketball star Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III, ayon sa isang artikulo sa kanya sa olympicchannel.com.

Sa nasabing website, inilarawan ng author ng lathalain na si Ken Browne nitong Agosto 11, na kagayang maglaro ng incoming-Japan 5th B.League (BLG) 2020-21 rookie sina dating National Basketball Association (NBA) champions at all-stars Dennis Rodman at Scottie Pippen.

“A bit (Dennis) Rodman on the boards and a bit (Scottie) Pippen on the floor, Ravena is a hard-working, full-court player who can make huge defensive plays and hit that clutch shot in a big game,” ayon sa sports news wbsite.

Tampok din doon ang pagkasabik at paghahanda na ng 23-anyos, may 6-2 taas na Ilonggo at three-time UAAP champion para sa San-en NeoPhoenix na kasali sa B.League na magbubukas sa darating na Disyembre.

Ang sitwasyon sa may limang buwan ng lockdown dahil sa COVID-19, koneksyon sa kuyang Kiefer Isaac, pagkatawan sa ‘Pinas at pag-hanga kay Kai Zachary Sotto na pasabak naman sa USA 19th National Basketball Association (NBA) G League 2020 G. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.