Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rodriguez sa Rizal balik-pangalan sa Montalban

0 80

Balik ngayon sa dating pangalan na Montalban ang bayan ng Rodriguez sa Rizal.

Bunsod na rin ito sa pag-lapse into law ng panukalang batas na magbabalik sa pangalang Montalban nang hindi mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte makalipas ang isang buwan ang ipinadalang panukala ng Kongreso sa Malacañang.
Naging batas ang Republic Act No. 11812 kahit walang lagda ang Pangulo, batay sa Article 6, Section 27 (1) ng Constitution.

Ang balik pangalan ay magiging epektibo sa ratipikasyon ng karamihan ng residente ng Rodriguez sa isang plebisito na pangangasiwaan ng Commission on Elections.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Itinatag ang bayan ng Montalban noong 1871.

Taong 1982, nang isunod ang pangalan nito kay Eulogio “Amang” Rodriguez Sr., na nagsilbing Montalban mayor, Rizal governor at congressman. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.