Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rogelio manggugulat sa 3YO Maiden Race

0 108

POSIBLENG makasabay sa bentahan ang kabayong si Rogelio sa 2020 Philracom 3-Year-Old Maiden Stakes race na ilalarga ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Bagama’t hindi kasama sa mga pang-primera ng mga karera tipster sa programa ay naniniwala ang ibang karerista na marami rin ang susuporta kay Rogelio.

“Base sa mga nasagap ko, may galing daw si Rogelio at sa tingin ko silip ‘yan, bebenta rin ‘yan sa sales kasi mukhang bistado naman ang husay niya,” hayag ni Valentino Mendez, 40 taon nang karerista.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inaasahang magbabakbakan ang mga kalahok sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission.

Bukod kay Rogelio, ang ibang kalahok sa P1M guaranteed prize race ay sina Bourne Leader, Red Hawk, Tifosi, Runaway at Zenaida.

May habang 1,600 metro ang banatan, si CP Henson ang rerenda kay Rogelio,

Nakalaan ang P600,000 sa owner ng unang kabayong tatawid sa meta, P225,000 sa second place habang tatanggap ng P125,000 at P50,000 ang third at fourth, ayon sa pagkakasunod. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.