Abante Tonite Interactive

Roligon derby sa Hunyo 6 — Ligon

423

May tatlong linggo pa ang mga sabungero upang magkundisyon ng panlabang manok sa “P5M Hatawan sa Tag-Ulan 5-Cock Derby” na sisimulan sa Hunyo 6 sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque.

Puwede nang magpareserba ng cockhouses para sa 3-cock elims sa June 6, 13, 20 at 27; at sa July 4, 11, 18 at 25. May bonus na P100,000 day prize (hati-hati) para sa three pointers.

Sulong ang 2-cock finals sa Aug. 1 para sa may 1, 1.5, 2 at 2.5 points na may premyong P400,000 sa 2 pointers, at Aug. 8 para sa 3 points.

Abante Hiring – IT dep

Magsusubi ang champion handler ng P100,000 at ang gaffer ay may P70,000.

May trophy ang bawat kampeon mula sa sponsors Salto Gamefowl Feeds at Thunderbird.

“Those who will score three wins in the elims need two more victories to bag the championship. Insurance fights are also possible,” ani derby host at RMC CEO Dennis Ligon.

Sa mga detalye pa, makipagtalastasan sa opisina ng RMC at kina Shirley at Capitan Tiling sa 519-7345, 0920-9509090, at 0926-7134069. (Enjel Manato)