Abante Tonite Interactive

Rollback sa excise tax itinulak ni Quimbo

By
172

Inihain sa Kamara ang isang panukala para mai-rollback ang kinokolektang excise taxes sa kerosene at diesel alinsunod sa Republic Act (RA) No. 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ayon kay Marikina Rep. Romero ‘Miro’ Quimbo, ang inihain nitong House Bill (HB) No. 8171 ay bilang tugon sa pagtaas ng mga presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo.

Isinasaad din sa panukala ang pagsuspende sa pagtataas ng fuel excise tax kapag lumagpas sa quarterly target ng gobyerno ang maitatalang inflation.

Nabatid na ang HB No. 8171 ay counterpart ng Senate Bill No. 1798 o ‘Bawas Presyo Bill’.

“We recorded an inflation of 5.7% in July, with August inflation expected to be at around the same le­vel. Clearly steps have to be taken to bring relief to our people and shield them from future spikes in inflation,” ani Quimbo.

“During the delibe­rations on TRAIN 1, I repeatedly stressed that the imposition of excise tax on kerosene and diesel are ­anti-poor,” dagdag nito.