Abante Tonite Interactive

Romansang Park Seo Joon, Park Min Young itinanggi

By
1,884

tonite-annyeong-rose-garciaBreaking news noong Huwebes pero halos oras lamang, pinabulaanan na agad ng mga agency ng South Korean actor na si Park Seo Joon at South Korean actress na si Park Min Young, ang balitang may romantic relationship sila sa loob na ng tatlong taon.

Sina Park Seo Joon at Park Min Young ang mga bida na nagpapakilig sa Korean drama na ‘What’s Wrong with Secretary Kim’.

Base sa report na lumabas, meron daw isang taong nagki-claim na reporter ito at nag­labas ng unpublished physical copy ng newspaper na Sports DongA. Nakalagay raw doon na three years ‘dating’ na ang dalawa.

Kaya naman ang netizen, nakahanap din ng dahilan para isiping may relasyon nga ang dalawa at napansin ang mga individual na Instagram postings nina Seo Joon at Min Young na kapag tiningnan mabuti, may mapapansin daw na pagkakapareho ng lugar o gamit na posibleng isipin na magkasama sila.

Hindi lang daw nagpapaka-obvious ang dalawang Korean star dahil ayaw nilang maparata­ngan na hindi ang mga trabaho nila ang prayoridad nila, lalo na sa set ng What’s Wrong with Secretary Kim.

Pero mabilis ang pag­lilinaw at pagtanggi ng parehong agency nina Seo Joon at Min Young sa isyu. Ayon sa mga ito, walang katotohanan ang balita na three years dating na sila.

Ayon sa agency ni Min Young na Namoo Actors, “We have looked into the rumors of Park Min Young and Park Seo Joon dating. They are just close colleagues.”

Itinanggi rin ito ng agency ni Seo Joon na Awesome ENT. Ayon dito, “Park Seo Joon and Park Min Young are just close colleagues. The dating reports are not true. We believe that there is a lot of interest [from others] due to their chemistry in the drama.”

Ang What’s Wrong with Secretary Kim ay nag-finale episode noong July 16 sa tvN. Isa ito sa mga cable produced drama na masasabing nakakuha ng mataas na ratings. For a cable channel, maituturing na mataas na ang 10 % ratings na nakuha for a finale sa AGB Nielsen Seoul.