Abante Tonite Interactive

Romansang Pia-Jeremy ‘wag usugin

2,100

Kung ang 4th Philippine Ms. Universe Catriona Gray eh wala pang ipinaparamdam o ibinabalandrang ­lalaking maaring magpalundag at magpatibok sa kanyang romantikang puso, iba ­naman ang ganap sa ating 3rd ­Philippines Ms. Universe Pia Wurtzbach, huh!

Marami talaga ang nanalig na ang kanyang ­dalagang Pilipinang damdamin ay kumakalembang muli at ang dahilan nga ay ang muy guapitong travel at lifestyle ­editor si Jeremy Jauncey.

Ilang araw bago ang araw ng mga puso, spotted ang dalawa na having bruch in one sosi joint sa New York . Sa pinakabagong panayam ni Queen P, wala itong inaamin, wala ring itinatanggi at ang dramarama niya lang, may tamang panahon at pagkakataon para pag-usapan ang tungkol sa kanila.

Naku, sa paglalahad niyang iyan, lalo na nga’t karamihan sa kanyang mga follower ay malilikot ang mga imahinasyon, walang duda na sina Wurtzbach at Jauncey ay mag-dyowang totoo na.

Power couple talaga ang dalawa. Parehong globe trotters. Malaking bagay na talagang beautiful si Pia, at guwapong totoo si Jeremy, sa salita, kisig at gawa.

In this season na buhay na buhay ang romansahan, tala­gang kalugod-lugod na balita kung tala­gang ­karomansahan na nga ni Queen P ang binatang puwe­deng-puwedeng maging hari.

Pia deserves the right man dahil may hinhin na tangi at ­dakilang ganda ito.
Huwag nating madaliin si Wurtzbach sa pag-amin sa kanilang pagkakamaigahan para ­naman hindi hinog sa pilit ang kanilang ­pagmamahalan. Huwag usugin para hindi maudlot, huh!

Teejay, Kokoy pasabog ang lanturan

Sa Twitter, nanakabaliw ang maikling video clip kung saan ang mga bida ay sina Teejay Marquez at Kokoy De Santos.

Hindi ko alam kung saang proyekto galing ang kaganapan pero sa unang eksena, naghuhubad at nagbibihis si Kokoy sa harapan ni Marquez na kunyari hiyang-hiya na pagmasdan ang hubad barong ­katawan ni De Santos. Sa kanilang pag-uusap, chichika ng katauhan ni Teejay kung pwedeng magpunta si Kokoy sa kanila para may ­gawing project.

Para-paraan na the moves, huh! Ang susunod, makikitang si De Santos super smack sa lips si ­Marquez, Wala na namang saplot ang katauhan niyang may ­kapangahasan. Ang Kokoy, dahan-dahang ibinababa ang zipper ng kanyang pantalon. Malambing na ­hinahawakan ang mukha at ulo ni Marquez na para bang pag may kung anong bumalaga kapag final na ang pagbubukas ng zipper. Ibinaba niya ang kanyang pa­ntalon pati underwear, inaalalayan niya na si Teejay sa dapat na kasunod na eksena.

In fair Verona, panalo ang cock teasing ni Kokoy at si Marquez naman, matimtimang birhen ang emote, pigil na pigil pero alam mong nasang-nasa sa susunod na kaganapan.

Siyempre pa, hindi na ipinakita pa sa bidyo clip ang kasunod pero sa true lang, pinahanga ako nina De ­Santos at Teejay sa mahusay nilang pagganap. Parang sanay na sanay manukso ang katauhan ni Kokoy at sadyang marupok ang ginagampanan ni Marquez. Nakakadala at nakakadarang ang galing nila bilang mga kabataang lalaking mapupusok, huh!