Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Romblon ligtas na sa COVID

0 48

Wala nang aktibong kaso ng COVID-19 sa munisipalidad ng Romblon.

Ayon ito kay Romblon Mayor Gerard Montojo.

“Sa ngayon ay wala na tayong aktibong kaso ng COVID 19 sa ating munisipyo,” aniya.

Nadagdagan din ng 59 ang gumaling sa virus.

Binigyang-diin din ng alkalde na dapat ay manatili pa ring maingat at malinis ang mga residente ng Romblon.

“Pinapaalalahanan po ang lahat na patuloy na maging maingat, palaging maghugas ng kamay at ugaliin ang pagsuot ng face mask at face shield. Panatilihin natin ang social distancing,” saad ng alkalde.

Leave A Reply

Your email address will not be published.