Abante Tonite Interactive

Romeo, Blatche, Castro balik Team ‘Pinas, babawi!

By
1,067

IGINIIT ng PBA ang all-in support sa National team, handang ipahiram ang player­s kahit naglalaro pa sa Finals ng Governors Cup.

Lumalapit ang Pilipinas sa World Cup sa susunod na taon, ayon kay Commissioner Willie Marcial ay hindi nila sasayangin ang pagkakataon.

“Nag-promise ang PBA ng full support, and we’re making­ good on our promise­,” pahayag ni Marcial. “Even players who will play in the Finals will be made available if they’re included in coach Yeng Guiao’s pool.”

Abante Hiring – IT dep

Magkakaroon ulit ng break ang PBA mula Nov. 17 hanggang Dec. 4 para bigyang daan ang dalawang home games ng Nationals – kontra Kazakhstan sa Nov. 30, at laban sa Iraq sa Dec. 3 na parehong sa MOA Arena.

“Kapag maaga natapos ang semifinals, we may play Games 1 and 2 before the break,” dagdag ni Marcial. “Pero if both semis series go the full distance, the finals start after the break.”

Mas malawak ang pool ni Guiao ngayon dahil makakabalik na sina Andray Blatche, Jayson Castro, Terrence Romeo at Troy Rosario. Bago ang next window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers ay inaasahang nasa full recovery na rin mula sa fractured shin si June Mar Fajardo.

Isasama pa sa pool ang players ni Guiao na sumagupa sa Iran at Qatar sa huling window, pati si Greg Slaughter na hindi nakalaro dahil sa ankle injury.

Nauna nang ibinalita na pasok sa pool bilang deve­lopmental player si 7-1 giant Kai Sotto ng Ateneo High School.
Sa first week ng November inaasahang uumpisahan ng Nationals ang ensayo.