Abante Tonite Interactive

Romeo, Castro, Blatche titimunan ang Gilas FINAL 12!

3,365

Laban Pilipinas!

Mula sa seventh place finish sa 2014 Incheon, South Korea Asiad, pakay ng Gilas Pilipinas na pagandahin ang kanilang performance sa prestihiyosong basketball event ng naturang quadrennial meet.

Kaugnay nito, pina­ngalanan na ang bubuo sa Final 12 ng Gilas Pilipinas na sasabak sa 2018 Asian Games sa Palembang at Jakarta, Indonesia ngayong Agosto 18-Setyembre 12.

Abante Hiring – IT dep

Bubuuin ito ng ilang Gilas mainstays, ilang miyembro ng Gilas cadets at ang core ng PBA team na TNT Katropa.

Pangungunahan nina Gilas mainstays Jayson Castro, Terrence Romeo, Roger Pogoy at Troy Rosario ang koponan katuwang si naturalized player Andre Blatche.

Bukod sa lima, kasama rin sa 12-man lineup sina TNT player Tony Semerad, Jericho Cruz, Don Trollano at Kelly Williams at mga Gilas cadet na sina Ricci Rivero, Kobe Paras at Abu Tratter.

Taong 1962 pa hu­ling nagkampeon sa Asiad ang Pilipinas kaya hamon sa koponan at kay coach Chot Reyes ang mas magandang pakita sa edisyong ito.

“We want the Asian Games lineup to be a combination of compe­ting for a medal as well as building for the future, thus the inclusion of three Cadets,” sabi ni Reyes sa panayam ng ESPN5.