Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Romeo garahe vs Warriors

0 31

Hindi makakapaglaro sa San Miguel Beer kontra NLEX ngayong Biyernes sa 46th PBA 2021 Philippine Cup elims si shooting guard Terrence Romeo.

Ayon kay team physical therapist Edward Bacason nitong Huwebes, kasalukuyang nakasuot ng immobilizer ang player para sa dagdag proteksyon sa kanyang kaliwang tuhod na na-hyperextend.

SM food to go Banner Ad

Nakuha ni Romeo ang minor knee injury sa laban ng Beermen sa Meralco noong Linggo kung wagi ang Bolts, 93-87. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.