Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Romeo good boy – RSA

0 270

Kabaliktaran sa kasabihan at impresyon dati ang binanggit ni San Miguel Corporation Vice Chairman, President at COO Ramon S. Ang patungkol kay PBA star Terrence Romeo.

“Sabi nila, very, very hard to handle,” ani Ang sa Spin.ph Lunes. “Baliktad. Ang bait naman nun. Sobrang bait nun. Saka naiintindihan ko ‘yung kanyang hilig.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tinatamasa ngayon ng 29-anyos na San Miguel Beer guard ang masayang panahon sa kanyang pro career matapos ma-trade mula sa TnT kung saan napagwagian ang unang Finals MVP at championship sa 2019 Commissioner’s Cup.

Hindi makakalimutan ni Ang si Romeo sa court at sa pag-uugali sa labas na tliwas sa mga sinasabi ng mga fan lalo na sa mga istorya tungkol sa dating Far Eastern University standout na nadidinig lang niya bago nalipatr nalipat sa Beermen. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.