Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Romeo ‘kursunada’ ni Rosales

0 106

Hindi umaatras sa kahit anong hamon ang PBA Draft aspirant na si Jonix Rosales.

Kaya nang matanong nina ‘Sportalakan’ Abante News Online hosts Sarah Jireh Asido at Cyreel Zarate nitong Lunes kung atat niyang makaharap sa court, ito’y walang iba kundi si scorer Terrence Romeo ng San Miguel Beer.

“Alam ko mapapanis ako ni Terrence Romeo,” saad ni Rosales, na dating naglaro sa PBA D-League (AMA) at MPBL. “Idol ko siya since FEU days pa niya.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Para naman sa kanyang dream team sa PBA, nais niyang mapunta sa NorthPort dahil kay coach Pido Jarencio. Nag-tryout siya dati sa Team B ng University of Sto. Tomas ni Jarencio.

“Napapanood ko rin ‘yung Team A na nagpa-practice, na-elibs ako ang ganda lang nung system niya sa training, naka-focus lahat,” saad ni Rosales, na tiwalang mabubunot sa virtual Draft sa March 14. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.