Abante Tonite Interactive

Romeo, Lassiter lalaro vs Magnolia

357

Ramdam na ni Leo Austria ang pagkapilay ng kanyang San Miguel Beermen, napapai­ling na lang ang eight-time champion coach kapag nakikita ang mga player na isa-isang bumabagsak sa injury.

Unang nawala si June Mar Fajardo, nabalian ng binti at out na sa Philippine Cup, posibleng sa buong papasok na 45th season ng PBA pa.

Sumunod na nabalian ng ilong si Marcio Lassiter.

Nitong Biyernes lang, inabot naman ng ankle injury si Terrence Romeo.

“Knock on wood, sana wala nang mangyari uli sa amin,” bulalas ni Austria.

Nabagsakan ni Romeo ang isang stationary bike sa baseline ng Upper Deck Gym sa Pasig sa laro kontra Alaska sa Phoenix Super Basketball pocket tournament.

Pilay na pilay aniya ang team niya, naghahabol pa naman sa six-peat sa all-Filipino. Babalatan agad ng Beermen ang kampanya sa Philippine Cup sa opening day sa March 8 sa Smart Araneta Coliseum, haharapin ang runner-up nila noong isang taon na Magnolia Hotshots sa lone game.

“We have no Marcio and we have no Terrence pa, na alam natin na they are the key players sa amin when it comes to small ball,” dagdag ni Austria.

Konsolasyon ng mentor ay posibleng makalaro ang dalawa sa opening­ night.

Malamang, gagamit ng protective mask si Lassiter na nakipag-ensayo na noong nakaraang linggo at sa mga susunod na araw ay uumpisahan na ang kanyang shooting.

“Seeing his ankle, med­yo nag-pop. The good thing is, after this game, hindi masyadong malaki iyong pamamaga,” paliwanag ni Austria sa kaso ni Romeo. “That means regular sprain.” (Vladi Eduarte)