Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Romeo nag-babay, mga fan lupaypay

0 54

NAKISIMPATYA ang mga fan ni San Miguel Beermen star guard Terrence Romeo matapos umuwi na kagabi sa kanilang tahanan kasunod ng dislocated shoulder injury na natamo niya Biyernes ng gabi kontra TNT Tropang Giga.

Hindi na makakalaro sa buong PBA Bubble si Romeo dahil 6-8 weeks angvrehabilitasyon sa kanyang injury.

Buhos ang suporta ng mga follower ng SMB at todo suporta para lumakas ang loob ni former FEU Tamaraw Romeo.

Tweet ni @VicTalidong, “not the beermen season without junmar fajardo and also now without Terence. So sad for my idol team.”

Si netizen @RomersonGadil, “too bad to see TR hurt. Get well soon!”

Pahabol ni @PyarOtares, “be back together with JMF and return to glory.. SMB just compete in the AFC just stay healthy.”

Hirit ni @ApregSenap, “too bad to see you that you are hurt my idol. Get well soon idol.” (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.