Abante Tonite Interactive

Romeo Travis, Magnolia tinambakan ang Blackwater

By
396

Parehong natambakan ang dark-colored bench sa Cuneta Astrodome sa double-header ng PBA Governors Cup Miyerkoles ng gabi.

Sa first game ay ginutay ng Phoenix ang NLEX 123-97, sunod na iginapos ng Magnolia ang Blackwater 133-99.

Tumabo ng dambuhalang 51 points si Eugene Phelps para akayin ang Fuel Masters sa 6-2 card.

Nagbaba pa ng 20 rebounds si Phelps na buong gabing nagliyab, maliban sa second period na may 9 points ay naka-double digits sa tatlong quarters na inumpisahan ng 19 sa first tungo sa 34-18 lead ng team.
Natengga sa 4-4 ang Road Warriors.

Pinatikim ng Pambansang Manok Hotshots ng nakakasakal na depensa ang Elite na sa first half lang ay diniyeta sa 14 of 42 shooting.

Ejected pa si Blackwater import Henry Walker 1:34 pa sa third quarter. Natawagan siya ng pangalawang technical foul habang naghahabol ang Elite 93-68.

Malamig na 2 of 8 mula sa field si Walker sa first 24 minutes bagama’t perpektong 7 for 7 sa stripe. May 27 points at 18 rebounds sa ilalim ng kanyang pangalan bago na-eject.

Sa kabilang banda, sa likod ng 26 for 47 shooting ay umagwat ang Magnolia sa 64-43 pagkatapos ng first two quarters. Halos final margin ng Hotshots na lang ang hinihintay nang lumayo pa 98-63 papasok sa fourth.

Pagkatapos ng three ay may 22 points, 12 rebounds at 7 assists na si Romeo Travis sa Hotshots, may tig-13 sina Jio Jalalon at Ian Sangalang.

Angat sa 6-1 ang Magnolia, baba sa 6-2 ang Blackwater.