Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Romero bida sa GlobalPort

0 156

SA pagsabwatan nina Deputy Speaker Mikee Romero ng 1Pacman Partylist at veteran Anthony Garcia kasama ang teamwork, sinilat ng GlobalPort-Philippine polo team ang Argentina, 10-9, sa Miguel Lorenzo Cup kamakailan sa Calatagan, Batangas.

“We made a good start because of the team’s chemistry,” suma ng mambabatas sa field na ipinangalan sa kanyang anak na si Miguel Lorenzo. “It was unbelievable beating Argentinians.”

Sa pananalasa ni Garcia, lumayo ang mga Pinoy sa 6-2 sa harapan ng nagbubunying bulinggit pero magiliw na mga manonood dahil sa magandang pagtanggap ng host United Polo Players Association.

SM food to go Banner Ad

Pero pinakaba pa ang punong-abala ng visiting squad nang dumikit sa 9-8 sa pagbabadyang maagaw ang panalo.

Pero hindi nagpatinag sina Romero, Garcia, Adrian Garcia at Jake Gordon upang mapreserba ang panggugulantang. (Abante Tonite Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.