Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Romero: Carlo huwag muna magpro

0 98

PINAKIUSAPAN ni Deputy Speaker Mikee Romero (1Pacman Partylist) si Carlo Paalam na manatili sa amateur o huwag munang mag-pro dahil sa tsansang maabot ang gold gold medal sa 33rd Summer Olympic Games 2024 sa Paris makaraang mag-silver sa buwang itong 2020+1 Tokyo Olympics men’s boxing flyweight.

Ginawa ng mambabatas na may-ari ng NorthPort Batang Pier sa Philippine Basketball Association ang panawagan kasabay sa pagtupad sa pangakong pagregalo sa mga nakamedalya sa katatapos na quadrennial sports conclave.

“Bata ka pa at may Paris Olympics pa, baka dun mo masungkit ang ginto,” payo Sabado ni Romero kay Paalam na binigyan niya ng P2M gaya ni women’s boxing featherweight silver winner Nesthy Petecio, habang P1M si men’s boxing middleweight bronze medalist Eumir Felix Marcial, may dagdag pang free lifetime electricity dahil sa pagiging electric cooperative operator sa Zamboanga City.

SM food to go Banner Ad

Tinawag ang virtual ceremony na ‘Bagsik Ng Kamao’ na ginanap sa AirAsia headquarters ng Airport Terminal 3 sa Pasay kung saan inabot ang tseke sa tatlong boxer nina Edwin Galvez, isa sa mga CEO sa kompanya ni Romero, at AirAsia exeutive Frederick Arejola.

Pinanapos ni Romero na ang tagumpay ng tatlong atleta’y patunay na kayang makipagsabayan sa mundo ng mga Pinoy sa sport, tulad ni eight-division world men’s pro boxing champion Manny Pacquiao. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.