Abante Tonite Interactive

Romero: Natulized player pool sa SBP

350

Kung si House Deputy Speaker Michael ‘Mikee’ Romero ang masusunod, nais niyang magkaroon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas ng 5-man naturalized players pool kaugnay sa paghahanda ng bansa 19th International Basketball Federation World Cup 2023.

“Si Andray Blatche napaglumaan na, like Marcus (Douthit). For me, kailangan mag-recruit tayo ng ‘di bababa sa limang naturalized player na maaaring pagpilian ng Gilas team depende sa pangangailangan sa international competitions,” litanya niya sa Philippine Sportswriters Association Forum Martes sa Amelie Hotel-Manila sa Jorgo Bocobo, Malate.

Ilan sa tinukoy ng 1-PACMAN Partylist Represerntative sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel-Manila at Pagcor, na bumuo ng pool sina Philippine Basketball Association imports Justin Brownlee ng Barangay Ginebra San Miguel, Chris McCullough ng San Miguel Beer, Jordan Clark ng Cleveland Cavaliers sa National Basketball Association at iba pa.

Naghain na si Romero ng isang bill para sa naturalization ni Brownlee, habang nagpahayag si McCullough ng interes tapos pangunahan ang Beermen sa titulo ng Governors’ Cup.

‘Di kinikilala ng FIBA bilang local player si Fil-Am Clarkson kaya sa pagiging naturalized na lang puwedeng makalaro ito sa PH squad.