Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Romero pinalaki insentibo

0 38

Umabot na sa mahigit P33M ang iuuwi ng sinumang atletang makakaputol sa halos 96 taong pagkauhaw ng ‘Pinas sa gold medal sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japanna inatrasado ng pandemya sa parating na Hulyo 23-Agosto 8.

Ito ay matapos dagdagan ni House Deputy Speaker at Philippine Basketball Association-NorthPort team owner, Cong. Mikee Romero ang insentibo para sa 19 na Olympian ng P3M sa mga makaka-gold, P2M sa silver at P1M sa mga bronze winner.

“Ito lang ang maliit na maiaambag namin sa ating delegasyon, na sana ay tuluyang maputol na natin ang halos 100 years na wala pa tayong gold sa Olympics,” ani Romero Martes kasama si Frederick Arejola sa lingguhang online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), MILO® Philippines, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream media.

Hinirit pa niyang ito na ang pinakamapuwersang delegasyong naihanda ng bansa, mga kampeon hindi lang sa SEA Games, Asian Games kundi sa world din kaya positibo siya sa lahat ng mga manlalaro. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.