Abante Tonite Interactive

Romero richest, model din sa Kamara

482

Nauna nang lumabas sa mga pahayagan ang pagsusumite ng Statement of Assests, Liabilities and Net worth (SALN) ang mga kongregista na kung saan muli na namang nanguna sa 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero sa listahan ng mayayaman sa Kongreso.

Ang nasabing yaman ni Romero ay nakuha nito bago pa man maging mambabatas, mula sa mga negosyo tulad ng port. Ang asawa ni Romero na si Sheila Bermudez-Romero ang siya ding chairman ng F&S Holdings Inc., na siyang nagpapatakbo ng kompanyang AirAsia Philippines.

“Ako po ay labis natutuwa sa kada may naitutulong ako sa bansa lalo na sa mga bata at kapos pala,” naka­ngiting sambit ni Romero.

Dahil sa patuloy na pagtulong nito na kung saan ultimo buong sahod ay nilalagay sa medical assistance ay madami ang nagpahayag ng paghanga.

“Para siyang role dodel na dapat pamarisan ng mga iba pang politiko, sana ay walang manira o maingit sa kanya,” patotoo ng nanay ng isang batang natulungan nito na may congenital disease.

Isa din na tinuturing na pinakamasipag si Romero sa Kamara nang ang 25 sa panukala nito ay ganap ng batas at na pirmahan ni President Rodrigo Roa Duterte.