Abante Tonite Interactive

Ron at Hasmine, parang mga ASO na nagkaratan sa gilid ng kalsada

By
147

PALABAN ang naka­babatang kapatid ni Coco Martin na si Ronwaldo Martin na bida sa 2016 Cinemalaya entry na Pa­milya Ordinaryo.

Bukod sa maga­ling sa aktingan ay mapangahas din ang 18-anyos na binata, na may eksenang naliligo sa kalye nang naka-brief.

In fairness ay tila impressive ang pabukol ni Ron at nagmumura ang kanyang sex appeal.
Pinakilala sa amin si Ron ng manager niyang si Ferdinand Lapuz sa premiere ng Tuos (kung saan kasama rin siya bilang katambal ni Barbie Forteza).

Pormal at maa­yos ang itsura ni Ronwaldo Martin nang ma-meet namin. Mas may dating siya sa itsura niya sa pelikula na marumi, nanlilimahid at mukhang mabaho, na sumisinghot ng rugby sa kalye.

Mukhang inosente si Ron in person, pero sa big screen ay may angas siya at malakas ang elya factor.

Kadugo nga niya si Coco Martin (na half brother niya dahil pareho sila ng ama).
Bilang Ron Cieno ay lumabas siya sa indie films na Captive, Kasal at Tumbang Preso.

Last year na naging Ronwaldo Martin na ang kanyang screen name ay ginawa niya ang Ari: My Life with a King at Laut. Ngayon ay tampok siya sa Pamilya Ordinaryo, Tuos at sa hindi pa tapos na Kabisera ni Nora Aunor.

Tiyak na proud si Coco sa kapatid niya dahil natural ang pagkaaktor nito at parang nasa lahi nila ang pagiging maga­ling umarte.

Mukhang mamanahin ni Ron ang dating titulo ng Kuya Coco niya na Indie Prince.

Katulad ng nauna niyang dinirek na Quick Change ay gustung-gusto rin namin ang Pamilya Ordinaryo ni Direk Eduardo Roy, Jr. na tungkol sa marahas na buhay ng mga batang kalye.

Biglang naging teenage parents ang ­17-anyos na si Aries (Ron) at 16-anyos na si Jane (Hasmine Killip) nang magkaanak sila.

Sa kalsada sila nakatira at nabubuhay sa pamamagitan ng pagnanakaw.

Nawindang ang mundo nila nang nakawin ang wala pang isang buwan nilang anak na si Baby Arjan.

Sa husay nina Ron at Hasmine ay iisipin mong mga totoo silang batang kalye at hindi lang sila basta umaarte.

Kahit mga snatcher sila ay maaawa ka nu’ng manakawan sila ng anak, na ganu’n na nga sitwasyon nila ay niloloko pa sila at inaabuso ng kung sinu-sino.

Totoong-totoo ‘yung malulutong na murahan ng dalawa at ‘yung mga away at sigawan nila.

‘Kalokah ‘yung kangkangan scene nila sa bangketa, na tinakpan lang nila ng kumot ‘yung bandang ibaba nila at para silang mga asong nagtitirahan sa gilid ng kalsada.

Kabogera ang baguhang si Hasmine Killip, na bawat eksena ay nangangabog sa galing.

Hanep ‘yung eksena niya sa presinto na inutusan siyang magpakita ng suso ng manyak na pulis.

Sina Ron at Hasmine ang Breakthrough Stars ng Cine­malaya this year!