Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ronald sinisi ang SBP, PBA

0 113

IBA ang nagtanim, iba ang kumain.

Ito ang matinding hinaing ni Chooks To Go Pilipinas 3×3 Pilipinas presidet Ronald Daniel Mascarinas habang sinisisi ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Philippine Basketball Association (PBA) sa nakakahiyang “Gilasgrasya” sa nakalipas na FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Graz, Austria.

Buong panlulumo at panghihinayang na inilabas ni Mascarinas ang matinding hinanakit sa press conference Sabado dahil sa nakakahiyang kampanya ng Philippine squad.

“I will not sugarcoat this. I was really disappointed. Sobrang napakalaking kahihiyan ang binigay nila sa ating bayan,” sabi ni Mascarinas sa koponan na inirepresenta nina CJ Perez, Joshua Munzon, Mo Tautuaa, Santi Santillan at ang hindi pinalaro na si Alvin Pasaol.

Walang ipinanalo ang koponan at tumapos na kulelat sa 20-koponan sa apat na laro.

“Sinabihan nila (SBP) kami na buuin namin ang 3×3,” sabi ni Mascarinas. “They did not even dip a single centavo para makakuha ng rankings ang bansa natin and then suddenly sila na ang nasunod sa lahat after na makakuha ng slot para sa chance to make it to the Olympics.”

“We are a basketball country. Pinadala natin doon, parang hindi marunong ng 3×3. Pumunta doon para maglaro ng 1-on-1. It’s a big humiliation to our country and I hope the federation, huwag ninyo na ulitin ‘yan. Sobrang kahihiyan,” aniya. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.