Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ronaldo positibo ulit sa Covid-19

0 138

Positibo ulit ang lumabas na resulta ni football superstar Cristiano Ronaldo para sa coronavirus disease, ayon sa ulat ng Marca.com.

Noong nakaraang linggo, unang inanunsyo na tinamaan ng Covid-19 ang 35-year-old forward dahilan na hindi makapaglaro para sa Portugal national team.

Dahil sa panibagong lumabas na resulta, hindi muli makakapaglaro Juventus ace player at inaasahang magagarahe sa Champions League match kontra Barcelona ni Lionel Messi sa darating na Huwebes (Manila time).

Ayon sa UEFA protocol, kinakailangang magnegatibo sa test ang player isang linggo bago ang laban. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.