Abante Tonite Interactive

Ronaldo Valdez idinenay na may sex video

800

Nasulat sa ibang pahayagan at naging subject noon ng blind item ang beteranong actor na si Ronaldo Valdez. Nasangkot umano siya sa isang sex video.

Ito ay kumalat sa kasagsagan ng eskandalo ng singer-composer na si Jim Paredes na may sex scandal na pinaliligaya ang sarili habang nasa banyo.

Sa eksklusibong panayam namin sa pinagpipitagang veteran actor, napa-susmaryosep ito nang aming tanungin tungkol sa nasabing kontrobersya.

“Ako naman, wala akong nalalaman na meron akong ganoon. Baka iba iyon at hindi ako,” depensa niya.

Hindi naman niya ikinaila na noong kabataan niya ay naging mapangahas din siya pagdating sa kanyang mga pelikulang ginawa.

“Noong araw, noong kabataan ko, medyo daring at bold ang nauso, baka naman iyon ang sinasabi nila,” aniya.

Sobrang nakaka-relate raw siya sa kanyang role sa “Los Bastardos” dahil aminado naman siyang lumaki siyang bastardo sa tunay na buhay.

Pero hindi raw naman naging hadlang iyon para maging mabuting tao siya at makamit ang pangarap niyang magkaroon ng pangalan sa industriya.

Katunayan, kung may isang bata raw o bastardo na lalapit o magpapakilala na anak niya at mapapatunayan niya ito, tatanggapin daw niya ito nang buong puso dahil malaki ang simpatiya niya sa mga bastardo o anak sa labas.

Gayunpaman, tila malabo raw mangyari ito dahil naging loyal daw naman siya sa nanay nina Janno at Melissa Gibbs.

Si Ronaldo ang gumaganap na Don Roman sa “Los Bastardos” na may limang anak mula sa iba’t ibang babae. (Archie Liao)