Abante Tonite Interactive

Ronda: 7-Eleven palaban

270

Balik ang 7-Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Phili­ppines sa 10th Anniversary Race ng LBC Ronda Pilipinas na lalarga mamaya sa Sorsogon Provincial Capitol sa Bicol.

Hindi nakakasali ang team dahil minsan ay may nasasabay na mga international race na kanilang mga nilalahukan, ayon kahapon kay Ric Rodriguez, tiwala sa kanilang tsansa.

“Ilang beses na kaming sumasali dito sa Ronda, pero there were times na hindi kami nakakasali kasi nga continental team tayo minsan may nakakasabay na international competition,” pahayag ng 7-Eleven cliqq team manager.

Kasama pa rin ng koponan ang dating kampeon na si Mark Galedo na naghari noong 2012 dito, makakatuwang niya sina Marcelo Felipe at Rustom Lim sa 10-Stage event. (ED)