Abante Tonite Interactive

Rondina, Bagunas Ms & Mr Volleyball ng PSA

0 400

Matapos bumida sa volleyball nitong 2019 sina sport stars Cherry Ann Rondina at Bryan Bagunas, paparangalan silang Ms. and Mr. Volleyball sa SMC-Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa Marso 6 sa Centennial Hall, Manila Hotel.

Bukod sa kanilang pasiklab sa UAAP finals at mag-MVP, inirepresinta rin ng dalawa ang national team sa 30th Southeast Asian Games 2019 PH.

Kasama ang special award na ito igagawad sa gala night ng country’s oldest media organization at mga handog ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, AirAsia, at Rain or Shine.

Bukod sa silver finish at MVP award na nasungkit ni Rondina para sa UST Golden Tigresses sa indoor volleyball ng UAAP Season 81, naibagahe rin niya ang MVP award at championship para sa Uste kasama si Baby Love Barbon sa beach volleyball event. (JAT)