Abante Tonite Interactive

Rondina, Geisler tampok sa lingguhang PSA Forum

120

Pangungunahan nina volleyball star Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina at two-time Olympian taekwondo jin at ngayo’y kickboxing coach Donald David von ‘Donnie’ Geisler III ang mga dadalo sa weekly Philippine Sportswriters Association Forum ngayon sa Amelie Hotel-Manila sa Jorgo Bocobo, Malate.

Tatalakayin ng dala­wa sa alas-10:00 ng umagang talakayan na mga hatid ng San Miguel Beer, Braska Restaurant Amelie Hotel-Manila Philippine Amusement and Gaming Corporation o Pagcor ang magi­ging kampanya ng kani-kaniyang sports sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa darating na Nobyembre 30-Disyembre 11.

Sasamahan si Rondina ni Bernadeth Pons na magiging bet ng bansa sa SEA Games beach volleyball, habang kay Geisler si Samahang Kickboxing Pilipinas secretary-general Atty. Wharton Chan, coach Glenn Mondol, at kickboxers Karol Maguide,­ Ruel Catalan at Rex de Lara.

Inaanyayahan ni PSA president Tito Talao ng Manila Bulletin ang lahat ng mga miyembro ng PSA na dumalo sa sesyong may livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswriters Association at eere ng delayed basis sa Radyo Pilipinas 2 ng 1-2pm at 6:30pm. (JAT)