Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rondina hahabol sa Tokyo sportsfest

0 240

Bumuti ang tsansa ng Larong Volleyball sa Pilipinas , Inc. (LVPI) sa women’s beach volleyball na naghahabol mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan sa pamamaitan nina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina, Bernadeth Pons at Dzi Gervacio.

Dinagdagan ng International Volleyball Federation (FIVB) ng dalawang Beach World Tour events sa Austria at Lithuania ang kalendaryo ng Olympic Qualifying Tournaments habang unti-unting nagbabalik ang sport’s mula sa limitasyon at restriksiyon tapos ma-coronavirus o COVID-19 noong Marso.

Ang Baden sa Austria ang magho-host sa kompetisyon sa Strandbad sa Agosto 20-23, habang ang Vilnius sa Lithuanie ang magsasagawa ng isa pang sa Setyembre 10-13. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.