Abante Tonite Interactive

Rondina nakisaya sa tagumpay ng USTe

0 146

Puno ng determina­syon at pokus, gigil na sinagpag ng Sto. ­Tomas Growling Tigers ang 2nd round elims ­tormentor Far Eastern Tamaraws, 81-71, sa 82nd UAAP seniors ­basketball ­tourney stepladder semis 1 knockout game ­Miyerkoles nang gabi sa Big Dome.

Tiyak na magiging masarap ang tulog nina Beninese Soulemane Chabi-Yo at Mark Nonoy dahil bukod sa panalong nakuha, ginawad sa una ang Most Valuable Player at Rookie of the Year Award.

Sa masayang pangyayaring ito para sa España-based dribblers, dinumog sila ng pagbati at todong nagdiwang ang kanilang mga fan sa social media.
@AngelicaElumba: “Heart attack in the 4th quarter but the boys pulled it off! Congratulations UST! ????.”

Hirit ni @AlyRodriguez: “Ganun talaga, congrats UST! Let’s come back stronger next year FEU. Goodluck to UP and UST. ”, @TallulahPancho: “Alams na next game! On to the finals USTe!”

Ani @MelMaestre: “congrats UST kudos pa rin sa FEU. Napakaganda ng laban, bawi na lang next season.”

Di rin nagpahuli si former UST volleyball star na si Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina masayang nag-tweet sa kanyang account bilang pagsuporta rin sa USTe. @Rondina011: “Walang upuan UST!!! TAYO NAAAAAAAAA!” (Aivan Episcope)