Abante Tonite Interactive

Rondina, Petron lusot sa Foton, kopo ang tanso

290

Laro sa Martes:
(Best-of-3 Finals)
(Mall of Asia Arena, Pasay)
7:00 p.m. – F2 Logistics vs Cignal (Game 2)

Nagsanib-puwersa sina Cherry Ann Rondina, Bernadeth Pons at Mika Aireen Reyes upang hatawin ang 28-26, 25-27, 25-21, 24-26, 15-12 panalo kontra Foton sa kanilang battle for bronze sa 7th Philippine SuperLiga All-Filipino Conference 2019 sa Smart Araneta Coliseum, Sabado ng gabi.

Masaklap ang pagka­talo ng Tornadoes dahil nakalamang sila ng 9-5 sa set 5, pero gumapang ang Blaze Spikers sa pangunguna nina Rondina na may 33 points at Reyes na naka-11 markers para hablutin ang bronze.

Naunang namuro sa pagsilo ng tersera puwesto ang Blaze Spikerstapos ilista ang 2-1 bentahe papasok ng set 4 sa women’s volleyfest na mga hatid ng Team Rebel Sports, SOGO, Eurotel, PCSO, Cocolife, UCPB Gen, Mueller, Senoh, Asics, Bizooku at One Sport.

Pero nakahirit ng deciding fifth set ang Foton nang magtulungan sina Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat sa opensa upang sikwatin ang panalo sa fourth set.

Tsansa sanang tapusin ng Blaze Spikers ang laban sa set 4 nang habulin nila ang tatlong puntos na pagkakalubog at makatabla sa 23-all pero naging matatag ang Tornadoes at naitakas nila ang mahirap na panalo pa-last frame. (Elech Dawa)