Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rondina sabik ng mag-volleyball uli

0 262

Labis ang kalungkutan ni Creamline Cool Smasher beach volleyball star Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina para sa pinakamamahal na sport.

Kagaya ng ibang balibolista, hindi na rin napigilan ang incoming Premier Volleyball League (PVL) player na ilabas ang saloobin sa pangungulila sa laro na pinigilan ng lockdown dahil sa COVID-19 noon pang Marso.

Sa kanyang Instagram post noong Martes ng gabi, isang throwback photo ang ibinahagi ng 2019 Southeast Asian Games bronze medalist. “Sobrang miss kita #ArawArawGoodVibes” caption ni Rondina sa kanyang post. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.