Abante Tonite Interactive

Rondina, UST sinakmal ang FEU

0 204

Parehong swak sa Final Four

Pinangunahan ni Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina ang atake ng University of Santo Tomas Golden upang makaresbak sa Far Eastern University, 25-23, 25-18, 25-23, saUAAP season 81 women’s indoor volleyball tournament second round eliminations Linggo ng sa Mall of Asia Arena.

Bumomba si team skipper, graduating open hitter Rondina ng 21 points, 17 mula sa atake, 2 service aces at block kalakip pa ang 15 excellent digs at 13 receptions para mapiling best pla­yer of the game kasabay sa angat ng Golden Tig­resses sa third sport sa 9-4, tinabig sa fourth ang Lady Tamaraws sa 8-5.

May tsansang makuha ng twice-to-beat advantage sa semifinals ang España-based volleybelles samantalang kapag muling napaamo ang National University sa pagpapatuloy ng walong paaralang liga sa Sabado, Abril 27.

Naging kaagapay ni Rondina si super roo­kie Ejiya ‘Eya’ Laure na pumuntos ng 17 para makapaghimagsik ang Uste sa first round tormentor na mga balibolista ng Morayta.

“May mga laro pa rin na naiiwan, tingnan namin kung magbago pa ang standings,” pahayag ni UST coach Emilio ‘Kungfu’ Reyes, Jr. na umentra na sa Final Four gaya ng biniktima bago pa ang rematch dahil sa pagwalis ng Lady Bulldogs sa University of the Philippines via five-set.

“Basta na-secure namin Final Four namin at tatapusin namin ng mas maayos para pagdating ng semis mas maganda ang igagalaw namin, awa ng Diyos,” panapos niya.

Huling asignatura ng Lady Tams ang defen­ding champions De La Salle University sa Abr. 28 para sa pagwawakas ng elims. (Janiel Abby Toralba)