Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roni pambato ng Mandaluyong sa Miss Earth

0 65

NI: ROLDAN CASTRO
Gumagawa ng sariling pangalan si Roni Meneses.

Siya ay anak ng dating basketbolista at ngayon ay alkalde ng Bulakan, Bulacan na si Vergel Meneses.

Si Roni ay Miss Mandaluyong 2020 at sumabak sa Miss Philippines Earth July 25. Makikipagpukpukan siya sa 68 na kandidata.

Isinusulong niya ngayon ang environmental vegetarianism.

“Please continue to support me in this new journey.Kakayanin ‘to.Laban para sa kalikasan,” post niya sa Instagram.

Mahilig din sa sports si Roni. Nu’ng high school ay naglalaro siya ng volleyball at basketball.

Nagtapos siya ng BS Clothing Technology sa UP Diliman, Abala rin siya sa kanyang clothing brand na RM Couture and RM Kitchen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.