Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roni target si Daniel

0 117

NONIE NICASIO: Bukod sa taglay na beauty, malakas ang karisma ni Roni Meneses. Isa siya sa sasabak sa Miss Philippines Earth na magaganap sa July 25. Hawak niya ang korona bilang Miss Mandaluyong 2020.

Aminado si Roni na may pressure na nararamdaman. “Nakakaba po, nakaka-pressure, ang dami naming candidates kaya matindi po ang laban,” aniya nang makapanayam namin sa online show ng Abante Tonite na ‘Tonite L na L’ tuwing Friday , 7PM.

Si Roni ay nagtapos ng BS Clothing Technology sa UP Diliman. Isinusulong niya bilang adbokasiya ang environmental vegetarianism. siya ay anak ng former PBA star at ngayo’y Bulakan, Bulacan mayor na si Vergel Meneses.

Ipinaliwanag ng dalaga kung bakit Miss Earth ang pinili niyang salihang beauty pageant kahit nagkaroon ng isyu noong 2018 sa kanilang sponsor.

Sey ni Roni, “Kaya po Miss Earth ang sinalihan kong pageant ay dahil talagang sobrang nagustuhan ko po kasi ang kanilang advocacy at iyong mission ng Miss Philippines Earth na gusto talaga nilang i-encourage ang lahat ng tao na pangalagaan ang kalikasan and that’s something that I really want to do as well.

“I care about nature and our environment. So, naisip ko po na kapag sumali ako sa Miss Philippines Earth, mas magandang platform po ito para mai-share ko po ang advocacy ko at makatulong din po.”

CHUFFA MAE BIGORNIA: Malaking tulong din kay Roni na dala niya ang apelyido ng kanyang ama na kilalang dating PBA player-politician.

“Siguro nakakatulong din po dahil sa mga supporters ni papa sinusuportahan din po nila ako bilang beauty queen,” sambit niya.

Tinanong din si Roni kung sasabak siya sa showbiz pagkatapos sumali sa Miss Earth.

“Hindi po ako marunong mag- act at saka mahiyain po ako ,” pakli niya.

Pero kung bibigyan siya ng pagkakakataon ay open naman siya sa oportunidad na ito.

Inamin niya na ang crush niya ngayon ay ang BTS .

Pero ang type niyang makasama sa pelikula ay si Daniel Padilla . Cutie raw at nagagalingan siya sa aktor. Kinikilig din daw siya at fan ng KathNiel.

Hirit pa ni Roni zero ang lovelife niya.

Hindi siya nakasagot nang tanungin kung may basketbolista bang nanliligaw sa kanya.

ROLDAN CASTRO: May balak ba si Roni na sundan ang yapak ng erpat niya? Papasukin din ba niya ang politika?

“Hindi ko naman po sinarado ang opportunity bilang politician pero beauty queen na lang muna po tayo,” deklara niya.

So, sino ang idol niya na beauty queen?

“Si Karen Ibasco ,winner din po siya ng Miss Earth (2017). Talagang Naging inspirasyon ko siya kasi sobrang natuwa ako sa sagot niya sa Miss Earth,” pakli ni Roni.

Goodluck kay Roni sa kanyang laban sa Miss Philippines Earth .

Anyway, makipag-chiKantahan, tawanan, okrayan sa TONITE L NA L.! Live na live sa Abante Tonite Facebook Page, Abante Radyo Tabloidista Facebook page at YouTube channel tuwing Biyernes, 7PM.

Leave A Reply

Your email address will not be published.