Abante Tonite Interactive

Ronnie Alonte kinuyog

By
2,110

May isang wholesome video si Ronnie Alonte na aking napanood. Parang nasa isang show, tapos na itong kumanta at umarteng parang may nais yakapin, bumababa ito sa entablado, at ‘yun na, kinuyog ang binata. Pulos mga batang babae ang tila sinapian na nag-uunahan na mayakap, makurot, mahalikan at ‘yung mga panalo ang the moves ay mahipuan ang irog ni Loisa Andalio.

Parang mga piranha ang mga hitad na ang ambisyon yata eh lamunin si Alonte kaya ang mga marshal, iniligtas si Ronnie sa kapahamakan. Walang duda na alam niyo kung paano suklian ang kabutihan, debosyon, pagmamahal at pagsamba sa kanya.

Ano ba naman ‘yung galos, kalmot, pasa o maaa­ring mas malala pang sugat lalo na nga’t ang mga karinyo brutal mula sa mga fan ay hindi naman talaga sinasadya, natutuwa lamang talaga sila na ang kanilang iniidolo ay lumapit sa kanila.

Ang isang isyung tila hindi matutuldukan at ‘di walang pandamdam na mailalagay ay ang kinukwestiyong “closeness” nila ni Vice Ganda. Bagama’t paulit-ulit na nila itong itinanggi at may drama pa nga sina Jose Marie at Alonte na ‘mag-ina’ ang kanilang turingan, sad­yang ang mapaglaro ang mga imahinasyon, ayaw bilhin ang kanilang paliwanag.

Sa isang panayam nga, sinabi ni Alonte na si Zeus Collins, malapit rin kay Vice. Silang dalawa pala ang pinakamalapit na Hashtag members kay Queen Bayot.

‘Yung kay Collins, marami ang nanalig na ‘yung ‘on screen’ harutan nito with Ganda ay pampakilig o pampa-good vibes at mabilis ang pagtanggap sa ‘nanay-anak’ angle nilang dalawa.
Eh bakit ‘yung kay Ronnie, walang gustong maniwala na walang ibang kulay na namumuo sa kanila? Ano ang ugat nito?

Paano nagsimula ang usok na ngayon ay parang apoy na ang pananalig tungkol sa sinasabing relasyon nila? Sa mga madlang pipol na nanood sa ‘It’s Showtime’, lalo na yung mga nasa studio, may napapansin ba silang kakaibang body la­nguage nina Vice at Ronnie pag off camera?

Sa mga kasamahan nila sa pangtanghalian programa, may mga birong totoo ba silang hindi sinasadyang mabahagi o kaya sila mismo, napapansin rin na parang mas magiliw, malambing at may haplos ng pagmamahal ang dalawa para sa isa’t isa?

Ang mga huling tanong ko, ang bakla ba at isang lalaki, hindi ba talaga pwedeng platonic lang ang relasyon? Dapat ba talaga mag-border ito sa romantic at erotic? Ano ang inyong pakiwari, dear readers?

Markki itinanggi si Marvin

Sa isang panayam sinabi ni Markki Stroem na sila ni Marvin Agustin ay “we’re just friends”.

Best in addition at creative writing ang mga dalahira, katkatera at tsimosa kasi nga ang dalawang la­laki, yayamanin dahil magkasamang nagbakasyon sa kung saan-saan, may paandar sa Batangas at may payanig pa sa the Land of the Rising Sun, Japan.

Itinanggi na ni Marvin ang a different kind of love angle at sa panayam nga ni Stroem, sila ay tunay na magkaibigan lamang at business partner.

Ano ba ang meron sa pagiging magkaibigan nina Martin at Markki kaya mas marami pa rin ang nang-iintriga?

Ngayong may sarili na ring pagtanggi si Markki Stroem, mahihinto na kaya ang mga usapin?